Posts tagged buhay.

NAKAKAMISS MAGING HIGHSCHOOL STUDENT!

nakakairita yung gantong feeling pero masaya rin, kasi narereminisce yung kasiyahang nagawa mo dati.

namimiss ko na yung atmosphere ng Green kong school dati. Ngayong inaalala ko siya, parang ang aliwalas ng school namin, kasi green na green. Tapos kahit private school yun hindi naka-aircon ang classrooms! yung iba room lang, like computer labs at AVRs. Pero kahit na ganun yun, open naman yung bintana kaya masarap pagmahangin, tas nakakaantok pa minsan, mapapatingin ka na lang sa labas ng bintana, titignan mo yung pag sway ng leaves sa mga puno (kung nasa 4th floor or 3rd floor ka) pero minsan ayaw mo ring humangin kung yung room mo nasa kabilang side ng building kasi maaamoy mo yung creek sa likod ng school! pero makakasanayan mo rin yun.

ngayon kasi, kahit parehas namang tabi rin ng creek yung school ko ngayon, di na amoy kasi (1) may pader naman tsaka (2) nakasara na yung mga bintana kasi may aircon na yung classrooms. (kaya namimiss kong mag daydream habang nakatingin sa labas, kasi ngayon close windows na.)

Namiss kong isuot yung uniform, yung mga classrooms, pati yung familiar faces na nakikita ko dati every weekdays.

namimiss ko yung pag tambay sa umbrella cottages, yung mga events sa school katulad ng SIGLAKAS, yung feildtrips!! yung mga mahal na bilihin sa canteen pero kapiraso lang naman yung nakalagay sa plato, yung Arsenio pati Elisea Building, yung gymnasium, yung malamig na corridor, yung dalawang electricfan sa loob ng classroom.

namimiss ko rin yung maigsing travel time papunta sa school, isang tricycle lang, ayos! tapos, yung mga trippings,pupunta sa plaza kakain sa Mcdo o kaya Jollibee, pupunta sa bahay ng isang kaklase para gumawa ng projects tas gagabihin na dun, pagccram ng mga assignments.

ang di ko lang talaga namimiss dun eh yung Haircut inspection. palagi akong nauukaan eh, hai. looking back, grabe. ang panget ko talaga noon, miski ngayon rin naman but I think my face is bearable na ngayon. hehehe.

kelan kaya ulit ako makakapasok sa Matyo. @_@


hello

hi

oh hai

hello ulit

lalala

(panay 4th year lang yan, nung las year of being HS student)

Magkakaroon na raw ng Philippine Version ang Power Ranger at tatawagin itong Jejeranger

kulokoykhenneth:

Eto nga pala yung mga bida .

Go , go Jejerangers

nireblog ko lang to dahil natawa ako sa katangahan ko.

kasi nung binasa ko yung title naguluhan ako, imbis na “rao” yung pag kakabasa ko sa raw, eh “ro” yung pagkakabasa ko. raw as in hilaw. kaya ayun naguluhan ako,

Magkakaron na raw(hilaw) ng philippine version.. blah blah blah…

mga ilang seconds ko bago narealize yung katangahan ko. hahaha.

k.bye.

#life  #buhay  

k bye. see you all in hell :)

#life  #buhay  

Convo after kong i-review yung mga tenses

  • AKO: nagrereview ng mga tenses. ahaha. shet nakalimutan ko na tong mga to :))
  • SIYA: why bro? :D
  • AKO: may nagtanong kasi sakin kagabi kung anung past participle ng isang verb, ayun. narealize kong nakalimutan ko na yung tenses.
  • SIYA: past participle? "She had been dying everyday waiting for you." tama ba? O_o
  • AKO: (nag-isip isip kung anung isasagot......) present perfect ata yan eh? had been dying everyday. or joke lang.. o shit. feeling ko nagtetest ako sa english! sakit sa ulo!
  • SIYA: fakk. Nakalimutan ko na din yon. :)))))
  • AKO: joke lang ata yung sagot. ko. hahaha! ok, sumabog na utak ko. i thought i'm noseblooding already now. hahaha
  • SIYA: ang chaka naman niyan. Bilhan mo na lang ng book. Depuga.
  • ok.. di ko na alam lahat...parang walang silbi yung binasa ko kanina hahaha! sdkfgasldgggf

Reviewing tenses

tenses show the time of an action or state of being as shown by a verb

(yes, sinipag akong mag aral. akalain mo yun? hahaha)


ewan ko kung bakit ko to nireview. hahaha. eh kasi may nagtanong sakin kagabi kung anung past participle ng isang verb eh, tas yun napagtanto ko na nakalimutan ko na pala yung mga yun!


atleast narefresh na sa utak ko kung ano yung past, past participle, present, present perfect, future, future perfect tense. bawal ipa-explain sakin isa isa yan, basta alam ko na kung anu sila, ata?

alam kong may iba pang tenses pero yan na lang muna. hahaha. tinamad nako, mukhang marami pa atang ibang tense? tsk. nakakatense pag-aralan

meron pa ba? ang dami kong nakikita kay google @_@ nakakatamad nang basahin.

#life  #buhay  #english  
1 week ago on May 09, 2012 at 04:47pm

Ang panget ko dati……

hanggang ngayon…. hai… buhay. nakakadepress pag nakikita mo yung dati mong pictures sa facebook.

inupdate ko lang yung privacy ng facebook ko, ewan ko kung bakit ko natripang ayusin yun. eh alam ko namang walang nag or mag-sstalk sakin hahaha.

pero kahit na, you can’t be too sure. kelangan magsigurado.

 :D

#life  #buhay  #facebook  

Last friday day ♪♫ pt. 2

Tinatamad na kong magkwento kaya ayun, kokopyahin ko na lang yung pagkakakwento ko sa text sa kasama ko nung araw na yun.

“edi ba nagshuttle ako, diba open na open yung gilid nun, umuulan, tapos magpapayong sana ako.

nawawala kasi yung sosyal at automatic kong payong kaya yung cheap yung dala ko yung manual, pero siyempre chineck ko yun sa bahay kung ok, ok naman! gumagana,

(pero) nung lumakas ng onti yung ulan tas nababasa na ko, edi magpapayong na sana ako. nung binuksan ko na, imbis na bumukas, yung talagang payong tumalsik tas nahulog sa kalsada!

buti bata yung katabi ko! pero kitang kita niya yung pagtalsik! shit -_____-

yung stick na lang yung natira sa kamay ko!”

 

fig #1

nung nakita ko na yung pagkahulog, napa-shit na lang ako, tas tiniklop yung natirang handle tas nilagay ko sa bag… nag pokerface na lang ako, kunwari wala akong paki… pero narinig ko yung dalawang mama na kasama nung bata nag usap.

ano yun?

payong

di ko na lang sila nilingon! hahaha. nakakahiya eh. tsk. -____-

eh nakaupo panaman kami sa likod na likod kaya kitang kita mo yung payong na papalayo na sayo. hahaha. hai.

end.

#life  #buhay  #payong  

Last friday day ♪♫ pt. 1

May 4, 2012

OK MAHABA TO. NAKAKATAMAD BASAHIN.

nag meet kami ni Kambal sa Gateway kasi plano naming mamili ng regalo para sa pupuntahan naming debut, magsasama kami sa regalo para mas mura. hahaha :)) iba na ang wais talaga ngayon :) tsaka tinatamad rin akong mamili ng regalo mag-isa kasi baka toothbrush mabili ko or blade or kung ano man, hehehe. di kasi ako magaling pumili ng regalo eh.

pero ayun, unang kita palang namin, kabaliwan na kagad. (na palaging nangyayare pag nagsasama kami)

unang ginawa namin, kumain sa taco bell, siyempre yung affordabells lang kasi plano pa naming kumain sa iba, kaya tipid tipid din.

dun na nagsimula ang kahihiyan streak namin, para bang nag senyales na magiging masaya pero nakakahiya yung araw na yun.

kasi panay pepsi product lang pala yung nandun pero coke yung hiningi namin.

after namin kumain, edi nag usap muna kami kung anong regalo bibilin namin, edi siyempre pana kalokohan lang yung mga sinusuggest namin. nung nagsawa na kami kakaisip, naisip na lang namin mag time zone :))

pag akyat namin para pumunta sa timezone, naamoy na kagad namin yung popcorn, tas inisip namin na bibili kami nun after naming mag timezone.

nag karaoke na lang kami tas nun para maubos na ng mabilis nag laro na lang kami nung ewan ko basta guitara, kasi kelangan nanaming magmadali kasi wala pa talaga kaming naiisip kung ano yung bibilin.

unang kahihiyan na nangyare:


bumili kami ng popcorn na cheese flavor, edi nung tapos na tas kinuha ko na yung popcorn, napansin ko, hindi mukhang cheese yung flavor nung popcorn, edi sinabi ko sa kasama ko, “hindi naman to cheese ah” (nang hindi ko pa tinitikman)

sabi niya “oo nga no” sabay lapit ulit sa nagbigay nung popcorn, ang arte pa ng pagkakasabi niya na hindi yun cheese, tas sinagot siya “ay hindi cheese po yun, cheddar something something taco something po yan

sabay na lang kami tumalikod kagad tas naglakad ng mabilis. tas ayun tawa kami ng tawa kasi napahiya kami! grabe, naglulupasay ako sa kakatawa, sa sakit ng tiyan ko sa kakatawa napapa-upo na ko, tas siguradong center of attention kami dun kakatawa. after ng mga 145412587 na tawa, bumaba na kami sa food court para bumili na lang sa taco bell ng inumin at dun na lang kumain.

nung nakabili na kami ng inumin, edi umupo na kami at nag usap nanaman, pero dun nanaman nangyare yung isang kahihiyan

PANGALAWANG KAHIHIYAN:


ewan ko kung bakit ako tumawa ng matindi, nakalimutan ko na, pero nung tumawa ako napasandal ako sa upuan, tas nung naramdaman ko ng matutumba yung upuan napahawak ako sa table, tas nakatayo ako, pero yung upuan natumba tas ang lakas pa ng pagkakabagsak! tas yung popcorn at inumin sumabog sa kasama ko, hahaha! buti nalang may takip yung inumin onti lang yung nabasa sa kasama ko, tas onti na lang yung popcorn, edi kami nagtinginan muna kami, tas sabay tawa nanaman ng mga 42

tumatawa tas naguusap kami ng nakatayo, kasi nabasa na yung upuan nung kasama ko, tas ako naman, dinamayan ko na rin sa pagtayo pagkatapos kong itayo yung upuan ko, hehehe.  tas lahat ng nakatingin samin, tinitignan na lang namin din sabay tawa. mga ilang minuto din bago kami nag decide na umalis at maghanap na ng seryosong regalo.

pumunta kami sa isang nalalaos na na mall, tas dun kami naghanap tapos bumalik ulit dun sa mall Gateway tas yun dun na kami nakabili ng regalo, tas ayun, tsaka kami naghiwalay, kasi pupunta pa siyang sta. lucia tas ako uuwi na.

the end.

may sequel pa to. nung pauwi nako @_@

#life  #buhay  
[Flash 10 is required to watch video]

famosus:

me in every situation

(via blackmormon)