FROLICS

January 27-29 2012

first day ng frolics

call time nun 7 daw.

nag effort akong sumubok na pumasok ng 7 kasi 4 am ako nag alarm. usually kasi 5 ako nag aalarm. pero ayun. sa kabagalan kong kumilos, imbis na mas bumilis mas bumagal akong kumilos kasi mga 8 na ko nakarating ng beda. :))

sakto namang kakarating lang ng parade sa front gate ng beda, ayun sumama na lang ako sa pila. kunwari nakapag parade ako. :))

lelelele~

pero ang high light talaga ng araw na yung. yung party poppers! hahaha :)) hindi yung ati-atihan or yung napaka festive na drum beats.

dito pala gagamitin yung pagpapabili samin ng party poppers.

there’s me playing with the confetti. parang bata :) hahaha. mukha akong HIGH kaya ko binlurr ko yung mukha. hahaha!

perstaym kong maulanan ng ganung karaming confetti eh. wag ng kumontra. :)

2nd day ng frolics

mga 10 30 na ata ako nakarating ng Beda kasi wala namang specific time para papuntahin kami dun.

ito yung araw na pinakamaraming gastos.

dito rin nagka-car show. daming kotseng alam kong di ako magkakaron. @_@

lalala~

angas lang kasi ng pintura eh. kaya maganda. :))

nagkaron rin pala ng parang exhibitions ng mga pepsquads. ng red corps, UP (4 member lang), PCC, tska ng NU. ayun. as expected, ayos lang naman yung ginawa ng San Beda pero kelangan pa ng onting practice hahaha. ang galing kasi talaga ng NU pati UP. yung PCC… ayos lang hahaha.

mga gastos:

  • Caterpillar ride
  • very mega ultra mini anchors away
  • nagpa Henna
  • nag Tekken sa Rockband
  • Rockband mismo
  • kumain

at umuwi. :))

3rd day ng frolics

last day ng frolics. call time 2 pm

magpaparade nanaman. tapos kelangan daw ng rosary at kandila.

medyo malayo layo rin yung nilakad namin. pero hindi mo mamamalayan kasi panay daldalan eh. kahit na dapat nag rorosary.

huli sa aktong pakikipagdaldalan….

talagang madaing nakisali sa pista ng  Sto. Niño ng beda, kasi may mga naglabas din ng mga sarili nilang Sto. Niño eh.

INULAN PA NGA KAMI NG SAGLIT EH.

wrong move ko nung araw na yun, eh kasi nagdala ako ng camera at pinagpilian ko kung yung camera or yung payong yung tatanggalin. edi tinanggal ko yung payong kasi napaka init naman nung hapon!… pero all is well naman. saglit lang naman eh. parang napadaan lang si ulan. :))

dumaan rin kami sa Malacañang Compound ba yun? basta dun. may mga mangilan ngilang nakitang maganda naman. :)

after pala nung parade. We became very hungry. kaya ayun tumabay kami sa mcdo.

ang original plan kasi, kakain ng saglit tapos punta sa Mass.. pero ayun nauwi sa kwentuhan at tumambay na dun. pagbalik namin tapos na yung Mass.

Nagkafireworks ba? di ko pa natatanong sa nakaattend ng mass.

after non. nagpahenna pa ang mga kasama ko tapos deretso uwi.

doon nagtatapos ang napaka haba kong kwento about Frolics. :)

karamihan ng picture na nakikita niyo ay galing kay RED hahaha! pahiram :))

  1. heygimmemore posted this