True friends. #Tropangcorporateattire

redjamuyblabs:

YAN ang tunay na magkakaibigan. Nagdadamayan. :D Dehjoke. Actually, nagkamali lang kami talaga. Di namin alam na uniform na ang dapat naming isuot. Pero, okay lang, naka-survive naman kami eh. Basta magkakasama kami, para di OP, diba? :D

At para sa mga taong nagbabalak na sumunod sa aming mga yapak, eto ang 5 easy steps para makasurvive sa araw mo. ;)

STEP ONE. UNITE!

Kayo kayo na lang ang magdadamayan kaya magsama-sama kayong lahat dyan. Kahit anong mangyari, dapat, stick lang kayo sa isa’t isa. Kumbaga sa L4D, lahat sila zombie na, kaya dapat ay magsama kayong mga tao pa.

STEP TWO. CAMOUFLAGE!

Pa’no ba nagsusurvive ang mga chameleon? Ang praying mantis? Ang mga ninja? It’s all in the art of camouflage kasi. Sa sitwasyon namin kanina, nagpunta kami sa tambayan ng mga Law students ng Beda. Camouflage. :bd

STEP THREE. HIDE!

Sa larong L4D, may part na mapupunta kayo sa isang safe room, hindi ba? Ganyan din yun. Isang kwarto kung saan kayo-kayo lang ang nagkikita. Dito kayo magre-reload ng saya at ng kung anu-ano pa. :D

STEP FOUR. MIND YOUR OWN BUSINESS!

Ang mga tao sa paligid mo, parang witch sa L4D, kung di mo papakelaman, di ka din nila pakekelaman. Kaya ang dapat mong gawin ay makipag-usap lang sa mga kaibigan mo. Tropa kayo, diba? Hayaan niyo sila at hahayaan din nila kayo. ;)

STEP FIVE. HAVE FUN!

Ano pa nga ba ang maaari mong gawin sa ganyang pagkakataon kundi mag-enjoy diba? Andyan na eh. May magagawa ka pa ba? :D

^